Labing-isang tao, kabilang ang mga kababaihan, mga batang babae, at isang sanggol, ang naiulat na nawawala matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Ilog Sassandra sa timog-kanlurang bahagi ng Côte d’Ivoire, matapos hampasin ng isang hippopotamus, ayon sa ulat ng pamahalaan nitong Sabado.


Ayon kay Myss Belmonde Dogo, West African nation’s minister for national cohesion and solidarity Côte d’Ivoire, tinamaan ng hippopotamus ang makitid na bangka na kahalintulad ng canoe habang ito ay umaandar sa ilog malapit sa bayan ng Buyo noong Biyernes.

Tatlong katao lamang ang nailigtas sa insidente, habang nagpapatuloy pa rin ang malawakang search and rescue operation para matagpuan ang iba pang nawawalang pasahero.

Kabilang sa mga nawawala ang ilang babae, mga batang babae, at isang sanggol, ayon sa ulat ng opisyal.

Batay sa isang pag-aaral noong 2022 ng mga mananaliksik mula sa isang unibersidad sa Côte d’Ivoire, ang hippopotamus ang hayop na pinakamaraming naitalang sangkot sa mga insidente ng pagkamatay o pagkasugat ng tao sa bansa.

Tinatayang mayroong humigit-kumulang 500 hippopotamus sa Côte d’Ivoire, karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa mga pangunahing ilog gaya ng Sassandra at Bandama.

Karaniwan din ang mga aksidente sa mga ilog ng bansa, bunsod ng paggamit ng mga bangkang gawa sa kahoy na karaniwang ginagamit bilang pangunahing transportasyon sa mga komunidad sa tabing-ilog.

Madalas na labis ang karga ng mga ito, na nagiging sanhi ng panganib sa mga pasahero.