ILOILO CITY – Napili na ang 12 mga finalist na maglalaban-laban para sa Grand Performance Night ng “Bombo Music Festival: A song-writing competition of Wholly Original Melody and Lyrics.”
Mula sa mahigit 1,000 entries na ipinadala ng iba’t ibang himpilan ng Bombo Radyo at Star FM sa buong bansa, dumaan ang mga ito sa mabusising pagsusuri kung saan tinukoy muna ang Top 30 sa bawat area ng Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region bago ipinadala sa national screening committee.
Ang 120 napili mula sa kabuuan ay muling isinailalim sa screening hanggang matukoy ang Top 7 sa bawat area na sinala ng husto upang matukoy ang 12 finalists.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. “This Morning” ni Jerika Salve Teodorico ng San Jose, Cebu City
2. “Be Yourself” ni Ferdinand Dimadura ng Concepcion Grande, Naga City
3. “Sobra” ni Mohammad Harris Tin ng General Santos City
4. “Panumpa” Jose LG Fuentes ng Concolacion Cebu City
5. “Ang Pangarap Mo’y Naghihintay Sayo” ni Henry Alubro ng Sto. Niño, Marikina City
6. “Hanggang Kaibigan” ni Steven Nicole Pedro ng Pag-asa, Mandaluyong City
7. “Gusto ko Maging” ni Joseph Ponce ng Baesa, Quezon City
8. “Hoy Juan” ni Joel Valacares ng Igpit Opol, Misamis
9. “Para Sa Bayan” Israel G. Rodriguez ng Bartolome, Novaliches, Quezon City
10. “Kiss Broken Hearts Goodbye” ni Adrian Vicencio ng Valderrama, Antique
11. “M.U.” ni Jerrie Mae Ged Orgasan ng Guadalupe Nuevo, Makati City
12. “Umiibig Sayo” ni Joe Limuel Gonzales ng Meycauayan, Bulacan
Ang 12 finalists ay makikipagtagisan ng galing Grand Performance Night na gaganapin sa Enero 6, 2018 sa Rose Memorial Hall ng Central Philippine University sa Jaro, Iloilo City.







