ILOILO CITY – Literal na naging madugo ang bisperas ng pista ng Sitio Baron Brgy. Jelicuon Montinola Cabatuan, Iloilo.
Patay kasi sa shooting at stabbing incident sina Roger Someros, 32 at Juan Baron, 43 ng nasabing Barangay at Roger Ibarle ng Brgy. Janipaan Central ng nasabing bayan.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Police Chief Insp. Engelbert Banquillo, Hepe ng Cabatuan PNP, uminom at nagpaputok ng baril ang biktimang si Someros na naging dahilan naman upang komprontahin ito ni Ibarle.
Nung makitang nagka-komosyon na, tumambang ang isa pang biktimang si Juan Baron na dati na ring nakaalitan ni Someros at pinaulanan ito ng saksak.
Nagtamo si Someros ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang sina Baron at Ibarle naman ay nagtamo ng sugat ng pagkakabaril na naging dahilan nga kanialng kamatayan.
Napag-alaman pa ng Bombo Radyo na si Someros ay isa rin sa mga suspek sa pagbaril-patay sa pulis na si Rex Delos Reyes sa Negros Occidental at involved din sa pamamaril sa isang bayan sa probinsya ng Iloilo.