Patay ang limang German climbers matapos ang naganap na avalanche sa Dolomite mountains ng Italy.
Ang mga mountaineers ay mayroong hiwalay na grupo kung saan habang tinatahak ang Cima Vertana sa Ortler Alps ng biglang tumama ang mabilis na pagbagsak ng snow.
Magkasamang tinangay ng avalanche ang mag-ama at matapos ang ilang oras ay narekober ang kanilang katawan.
Dinadayo ng mountain climbers ang lugar at naging maganda ang lagay ng panahon subalit pinagtatakahan ng mga otoridad kung bakit sa hapon pa nagsagawa ng hiking ang mga biktima.














