ILOILO CITY – Usap-usapan ngayon sa social media ang isangIlongga Designer matapos inirampa ang kanyang dinisenyong mga damit sa Paris, France.
Pinasuot ni Audrey Rose Dusaran-Albason sa kanyang mga modelo ang koleksiyon na tinawag nitong “Gugma” o nangangahulugang “Pag-ibig” sa Paris Leg ng sikat na Oxford Fashion Studio (OFS).
Ang 32 anyos na ginang ay tubong Dumnagas, Iloilo at kilala sa Fashion Industry sa kanyang “Feminine-eccentric” style.
Nagpabilib naman sa OFS, isang UK-registered company na siyang nasa likod ng Fashion Shows sa Paris, New York, London, at Oxford ang Visayan-inspired landscape na koleksiyon ni Albason lalo na ang disenyong dahon ng anahaw at bulaklak ng ilang-ilang.
Si Albason ay Nursing Graduate ng Central Philippine University sa Jaro Iloilo City ngunit piniling iwanan ang medical industry at pumasok sa Fashion Institue of the Philippines kung saan sumailalaim ito sa training ng kilalang designer na si Francis Libiran.