ILOILO CITY – Naaresto ang 22 mga menor-de-edad kasabay ng paglunsad ng curfew for minors sa buong Iloilo City simula kagabi.
Sinabi sa Bombo Radyo Iloilo ni City Social Welfare and Development Office na apat na mga minors na nasa 17-anyos, ang nahuli sa Barangay Boulevard, Molo, kung saan dalawa aniya rito ay mga miyembro ng gang.
Ayon sa ina ng isa sa mga nahuling menor-de-edad, mas mainam na lang na naaresto ang anak upang maturuan ito ng leksyon.
Pito naman ang nahuli sa distrito ng La Paz, tatlo sa Molo at isa sa Jaro.
Sinabayan naman ng gang war ang paglunsad ng curfew for minors sa lungsod.
Sugatan ang biktima na kinalala lamang sa pangalang Jacklord, matapos pinagtulungan ng Street Pamilya Cinco gang sa Old Airport, Mandurriao, Iloilo City.
Naka-engkuwentro ng grupo ni Jacklord ang nasa 10 miyembro ng kabilang gang sa Mandurriao plaza kung saan sana ang mga ito maglalaro ng basketball.
Tiniyak naman ng Task Force on Moral Values na mahigpit na ipapatupad ang curfew para sa mga menor-de-edad.
Sinabi sa Bombo Radyo ng task force head na si George Duron, iiral ang curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Mahaharap sa kaso ang magulang ng mga menor-de-edad na mahuhuling lumalabag sa curfew.