ILOILO CITY – Isinulong ng isang mambabatas ang pagtigil na ng Oplan Tokhang ng pulisya.
Kasunod ito ng kontrobersiyal na pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Lloyd delos Santos sa anti-drug operation ng PNP sa Caloocan kamakailan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin na maling proseso ang ipinapatupad ng pulisya sa Oplan Tokhang.
Ayon sa mambabatas, walang sinusuno na proseso ang pulisya sa mga drug operation.
Sinabi ni Villarin na dahil sa Oplan Tokhang ay marami na ang biktima ng extra-judicial killings sa bansa na hindi naman umano nabibigyan ng hustisya.