ILOILO CITY–Hakot award ang Bombo Radyo Philippines sa isinagawang Sandugo Award ng Department of Health(DOH) National Voluntary Blood Services Program.
Kinilala ng DOH ang Bombo Radyo Philippines, Bombo Radyo Iloilo, Bombo Radyo Kalibo, Bombo Bacolod at Bombo Radyo Roxas dahil sa isinagawang Dugong Bombo.
Mismo si Bombo John Felco Talento, Assistant Station Manager ng Bombo Radyo Iloilo ang tumanggap ng plaque of appreciation sa isinagawang awarding ceremony sa Punta Villa beach resort sa distrito ng Arevalo.
Ayon kay Dr. Abdulla Dumama, Assistant Secretary ng DOH for Visayas and Mindanao, Ang Dugong Bombo ng Bombo Radyo Philippines ay marami ng natulungan.
Ito ay dahil ang Bombo Radyo Philippines ang isa sa mga partner ng DOH na may pinakamaraming volume ng dugo na naipon.
Samantala Ipinahayag naman ni Dr. Dennis Roy Pasadilla ng Philippine Red Cross na isa ang Bombo Radyo sa mga bibigyan ng pagkilala dahil sa isinagawang Dugong Bombo.