ILOILO CITY-Daan-daang pasahero ang na stranded sa bawat terminal sa lungsod ng Iloilo sa unang araw ng pagbabalik sa trabaho.
Ang pagka stranded ng mga pasahero ay dahil sa hindi nakabyahe ang karamihan sa mga depampasaherong jeep dahil hindi natapos ang pagsasaayos ng mga dokumento para sa special permit.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na kaninang umaga lang niya nalaman ang hinggil ipinapatupad na guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board, upang makapagbyahe ang mga jeepneys.
Ayon kay Treñas, sisikapin niyang mabigyan ng karampatang solusyon ang problema ng mga pasahero at sektor ng transportasyon sa pamamagitan ng pakikigb-usap kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board 6 Director Richard Osmeña.
Inihayag ni Treñas na nais rin niyang maliwanagan hinggil sa guidelines ng nasabing ahensya hinggil sa pagbabawal ng angkas sa motorsiklo kahit na magpamilya ang sakay nito.