Nakahanda na ang halos 12,000 na pulis na ipapadala ng Philippine National Police (PNP) para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gaganapin sa Hulyo 28.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, 11,949 na pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilalagay sa paligid ng Batasan Complex sa Quezon City upang matiyak ang seguridad at katahimikan sa araw ng SONA.
Ani Fajardo, magsasagawa rin ang PNP ng coordinating conference kasama ang Office of the Sergeant-at-Arms ng Kamara bukas, Hulyo 9, upang ayusin at finalisin ang plano para sa seguridad.
Ipinabatid din ng opisyal na posible pang madagdagan ang bilang ng mga pulis na ide-deploy depende sa sitwasyon sa mismong araw ng SONA.
Sa ngayon, wala pang natatanggap na aplikasyon para sa permit ng mga grupo na nais magsagawa ng protesta sa araw ng SONA.