Magkakaroon ng kanilang unang bilateral na pagpupulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos sa Washington sa mga susunod na araw.

Sinabi ni US Secretary of State Marco Rubio na magaganap ang pagpupulong bilang bahagi ng pagpapatibay ng ugnayang pangdepensa at militar ng dalawang kaalyado upang hadlangan ang agresyon ng China sa South China Sea.

Magpapadala rin ang Pilipinas ng isang delegasyon para sa kalakalan sa US sa susunod na linggo upang ipagpatuloy ang negosasyon matapos itaas ng administrasyong Trump sa 20% ang taripa sa mga produkto mula sa Pilipinas, maliban na lamang kung may kasunduang mararating.

Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez, ito ay isang opisyal na working visit ni Marcos — ang kauna-unahang pinuno ng estado mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na inanyayahan ni Trump sa White House.

Hindi ibinunyag ni Romualdez ang eksaktong petsa ng pagbisita, ngunit ayon sa dalawang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas na tumangging magpakilala dahil wala silang awtorisasyong magsalita sa isyu, nakatakdang ganapin ang pagpupulong sa pagitan ng Hulyo 21 at 22.

Kumpirmado ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang pagbisita, ngunit tumanggi siyang magbigay ng detalye at ipinasa ang usapin sa Department of Foreign Affairs.

Nakatakda ang pagpupulong mula Hulyo 20 hanggang 22.