Lumabas sa survey na si Sotto, na nasa huling termino na bilang alkalde ng Pasig, ay may 61.0 percent voter preference, at nanguna sa lahat ng 17 rehiyon sa bansa. Ayon sa Tangere, posible itong magresulta sa mahigit 30 milyong boto.
Sumunod kay Sotto si Senador Raffy Tulfo na may 55.26 percent, na malakas sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya. Pangatlo naman si dating Senadora Grace Poe na may 46.05 percent, suportado sa MIMAROPA at Central Luzon.
Statistically tied sa ika-apat hanggang ika-anim na pwesto sina Senate President Chiz Escudero, Senadora Loren Legarda, at Davao Rep. Paolo Duterte.
Kasama rin sa Top 15 sina Senators Alan Peter Cayetano, Robin Padilla, at Jinggoy Estrada; media personality Ben Tulfo; DSWD Sec. Rex Gatchalian; dating DILG Sec. Benhur Abalos; DepEd Sec. Sonny Angara; at dating Makati Mayor Abby Binay.
Hindi naman nakapasok sa Top 15 sina Senadors JV Ejercito at Mark Villar.
Isinagawa ang non-commissioned survey mula July 18 hanggang 20 gamit ang mobile-based stratified random sampling sa 2,400 respondents, may ±1.96% margin of error at 95% confidence level