Patuloy ang pag-angat ng remittances mula sa overseas Filipinos matapos iulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang halos 4% na pagtaas noong Hunyo.

Batay sa datos, umabot sa $2.99 billion ang kabuuang cash remittances, mas mataas kumpara sa $2.88 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Pinangunahan ng land-based OFWs ang pagtaas na may $2.43 billion o mahigit 81 porsyento ng kabuuang remittances, habang $555 million naman ang mula sa sea-based workers.

Mula Enero hanggang Hunyo, nakapagtala na ng $16.75 billion na cash remittances, tumaas ng 3.1% kumpara noong unang kalahati ng 2024.

Nanatiling pangunahing pinagmumulan ang Estados Unidos na may 40 porsyento, kasunod ang Singapore, Saudi Arabia, at Japan.

Personal remittances, kabilang ang cash at in-kind transfers, tumaas din ng 3.7% sa $3.33 billion para sa buwan ng Hunyo.