Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Secretary of Justice Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman of the Republic of the Philippines, matapos ang pagtatapos ng termino ni Hon. Samuel R. Martires noong Hulyo.
Si Remulla, na nagsilbi bilang ika-59 na Secretary of Justice mula pa noong Hunyo 2022, ay pinuri ng administrasyon sa mga repormang kanyang pinangunahan upang gawing moderno ang justice system.
Kabilang dito ang pagbawas sa siksikan ng mga bilangguan, pagpapabilis ng case resolution, at pagpapalawak ng access sa legal services.
Ayon sa pahayag ng Malacañang, ang mahigit ilang dekadang karanasan ni Remulla bilang legislator, gobernador, at abogado ay nagbigay sa kanya ng malawak na respeto dahil sa kanyang integridad at paninindigan sa public service.
Binigyang-diin ng administrasyon na nananatili itong determinado sa paglaban sa korapsyon sa lahat ng antas ng pamahalaan.
Bilang Ombudsman, inaasahan si Remulla na pangunahan ang pagpapatibay ng transparency, pagpapatupad ng anti-corruption measures, at pagtiyak na ang justice system ay umiiral nang patas at mahusay.
Dagdag pa ng pahayag, nanindigan ang pamahalaan na “there will be no sacred cows, no exemptions, and no excuses,” na nangangahulugang pananagutin ang sinumang lumalabag sa tiwala ng publiko.
Muling iginiit ni Pangulong Marcos na ang transparency, fairness, at rule of law ang mananatiling gabay ng kanyang administrasyon sa pagpapatuloy ng Bagong Pilipinas na tunay na naglilingkod sa sambayanang Pilipino./JDS