Puspusan ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa malaking parte ng Visayas.
Umabot na sa libu-libong katao ang natulungan sa Southern Leyte, Gingoog City, at Cebu.
Nagpatayo ang PRC ng mga first aid stations at ligtas na naihatid ang isang emergency childbirth case sa Cebu.
Nagsagawa rin sila ng disease prevention sessions sa Capiz at namahagi ng gamot, face masks, at tubig.
Nagbigay pa ang humanitarian body ng psychological first aid, welfare support, at mahigit 1,600 hot meals sa mga apektadong pamilya.
Isinagawa ang hygiene promotion sessions sa Capiz upang maiwasan ang mga sakit sa evacuation centers.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, ang bawat taong natutulungan ay nabibigyan ng pag-asa.
Handa ang PRC na palawakin pa ang operasyon upang masigurong walang komunidad ang mapag-iiwanan, mula sa mga syudad hanggang sa mga coastal areas na nasalanta ng bagyo.














