Ibinunyag ng aktres na si AJ Raval na mayroon na siyang limang anak, kung saan tatlo sa mga ito ay anak nila ng aktor na si Aljur Abrenica.

Kinumpirma ito ni AJ sa isang panayam kay Boy Abunda, kung saan sinabi niyang gusto na niyang sabihin ang totoo sa publiko upang tuluyan nang matapos ang mga haka-haka at upang magkaroon ng kalayaan ang kanyang mga anak.

Ibinahagi rin ni AJ ang mga pangalan ng kanyang mga anak na sina Ariana, Aaron, Aikina, Aljur Junior, at Abraham.

Matatandaan na noong Setyembre, ibinunyag ng ama ni AJ na si Jeric Raval na may anak ang kanyang anak na babae kay Aljur Abrenica, na lalong nagpasiklab ng mga usapin tungkol sa relasyon ng dalawa.