Personal na ininspekyon ni DPWH Secretary Vince Dizon ang kontrobersyal na Aganan Flyover sa bayan ng Pavia, Iloilo.
Ang nakatiwangwang at palpak na flyover ay may total budget na ₱802 million at sinimulang ipatayo noong Hulyo 2020.
Ito ay may target completion date dapat sana na 24 buwan o dalawang taon lamang ngunit hanggang ngayon ay nakatengga at hindi pa rin ito napapakinabangan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dizon, sinabi nito na may nakalatag nang plano para sa pagpapatuloy ng konstruksyon.
Aniya, ang gagawin nila ngayon ay kumuha ng second opinion mula sa isang foreign consultant at tatagal ito ng isang buwan.
Ayon sa kalihim, kapag may go-signal na, sisimulan agad ang final construction.
Dagdag pa ni Dizon, kapag natapos ito ngayong taon, ito ang magiging Christmas gift ni Presidente Marcos sa mga Ilonggo.














