xr:d:DAFzGPJd4lI:418,j:2083324831255222990,t:23112213

Ipinahayag ng aktor na si Anjo Yllana ang kanyang pagkadismaya sa umano’y mga “magnanakaw” sa gobyerno, na isa sa mga dahilan kung bakit niya nais subukan ang kanyang kapalaran sa Senado.

Sa isang livestream sa TikTok noong Oktubre 27, sinabi ni Yllana na gusto nitong tanggapin ang challenge na tumakbo sa Senado dahil aniya naiinis na siya sa mga nakaupo sa Kongreso.

Hinimok niya rin ang publiko na huwag nang iboto ang mga magnanakaw na politiko.

Sa bago nitong post, idineklara ni Yllana ang kanyang suporta sa DDS (die-hard Duterte supporter) at ipinahayag ang suporta kay Vice President Sara Duterte, pati na rin sa panawagan na ilagay si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa house arrest sa Davao.

Sinabi niya na sana umano ay tanggapin siya ng Duterte party.

Muli pang inihayag ng dating artista at politiko na tumakbo man siya o hindi ay kaniya paring susuportahan ang team Duterte sa 2028.

Magugunitang si Anjo ay may karanasan sa politika bilang dating konsehal at bise-alkalde ng Parañaque City. Noong 2024, tumakbo rin siya bilang bise-alkalde sa Calamba City ngunit ito’y natalo.