Nakipagpulong si Satvinder Singh, deputy secretary-general ng ASEAN Economic Community, sa Philippine startup na OMG! Cr*zy-Fast sa katatapos na ASEAN Summit upang talakayin ang mga digital at logistics system na kayang tumagal kahit may krisis.
Layunin ng pulong na panatilihin ang tuloy-tuloy na kalakalan at suplay sa rehiyon sa gitna ng climate shocks, cyber risk, at geopolitical tension.
Naghahanap ang ASEAN ng “resilience-first” technologies mula sa pribadong sektor habang pinapabilis ang digital integration ng 10 bansang kasapi.
Ayon sa OMG! Cr*zy-Fast, ang pakikipag-ugnayan ay patunay ng lumalaking pagkilala sa Philippine deep-tech firms sa rehiyon at ng estratehiyang pagsamahin ang institusyonal na pamumuno at mabilis lumagong startup para maging global digital hub ang Timog-Silangang Asya.














