Nagbabala si Defense Sec. Gibo Teodoro na sasapitin ng Pilipinas ang nangyari sa Myanmar, sakaling mag-kudeta ang Armed Forces of the Philippines laban sa Administrasyong Marcos.
Ayon kay Teodoro, anumang “extra-constitutional” na hakbang ay maaaring magdulot ng pagkawala ng pagkilala ng ibang bansa sa Pilipinas at magpahinto sa kalakalan.
Giit niya, tanging mga nais magpabagsak ng gobyerno ang makikinabang sa ganitong hakbang.














