BERSAMIN / OCTOBER 4, 2022 Former Chief Justice and now Executive Secretary Lucas Bersamin speaks before the members of the Malacanang Press Corps at the Guest house, Malacanang on Tuesday October 04, 2022 (PPA POOL)

Itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang lumabas na balita na ito ay nagbitiw na sa puwesto.

Dagdag pa nito na walang katotohanan ang lumabas na balita at hindi niya alam kung saan nanggaling ang ispekulasyon.

Kumalat ang nasabing usapin kung saan papalitan si Bersamin ni Finance Secretary Ralp Recto habang magiging Department of Finance Secretary si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go.

Noong Setyembre ay nadamay ang pangalan ni Bersamin sa anomalya sa flood control project kung saan ibinunyag ni dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo na mayroong commitment ito ng 15 percent sa Office of Executive Secretary mula sa P2.85-bilyon na halaga ng proyekto na pinabulaanan naman ni Bersamin.