Makikilahok ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 6 sa taunang “Dugong Bombo 2025: A Little Pain… A Life to Gain” ng Bombo Radyo Philippines, Philippine Red Cross at Bombo Radyo Philippines Foundation, Inc.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay JSSupt Jhon Montero, Regional Director ng BJMP Region 6, sinabi nito na layunin ng kanilang pakikilahok na hikayatin ang mga kawani na magbigay ng donasyon ng dugo upang makatulong sa mga nangangailangan.
Binanggit din nito ang kahalagahan ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa bilang bahagi ng serbisyong panlipunan.
Hinikayat ng BJMP Region 6 ang publiko at iba pang ahensya ng gobyerno na makiisa at makibahagi sa naturang kampanya.
Gaganapin ang Dugong Bombo sa Nobyembre 15 (Sabado) sabay-sabay sa 25 key cities sa buong bansa kung saan nag-o-operate ang 32 fully-digitalized AM at FM stations ng network.
Sa Iloilo area, idaraos ang Dugong Bombo sa Iloilo Science and Technology University (ISAT-U) sa La Paz, Iloilo City simula alas-siyete ng umaga.














