
Nagpahayag ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglalabas ito ng ulat kaugnay sa mga flood control projects sa Iloilo City, kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa social media.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Manuel “Manny” Bonoan, Secretary of Public Works and Highways, sinabi niyang kasama nila si PBBM at ilang opisyal sa pagbisita sa mga proyekto, kung saan nakita nilang aktibo ang konstruksyon, kabilang na ang ginagawang revetment walls.
Ayon kay Bonoan, wala siyang natatandaan na direktang sinabi ng Pangulo na palpak ang proyekto, maliban sa Facebook post nito.
Kaugnay naman sa panawagan ni Mayor Raisa Treñas na ipademolish ang mga palpak na proyekto, sinabi ni Bonoan na dapat itong imbestigahan.
Inaasahan na sa unang bahagi ng susunod na linggo ay mailalabas na ang opisyal na ulat ng DPWH.