Nasawi sa isang artillery strike si Major General Duong Somneang, kumander ng Cambodia’s 7th Division, sa nagpapatuloy na sagupaan laban sa mga pwersa ng Thailand sa pinagtatalunang teritoryo malapit sa Chong Ta Thao–Phu Ma Kua, nitong Sabado, Hulyo 26.
Batay sa mga ulat, maagang nagsimula ang sagupaan kung saan matagumpay na naitaboy ng Thai forces ang tropa ng Cambodia mula sa Phu Ma Kua.
Sinubukan ng Cambodia na magsagawa ng counterattack, subalit nauwi ito sa matinding kaswalidad sa kanilang hanay , kabilang ang pagkamatay ni Major General Somneang.
Ang sagupaan ay bahagi ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa na parehong umaangkin sa naturang lugar.
Kasunod ng insidente, nagsampa ng pormal na reklamo ang pamahalaan ng Cambodia sa United Nations Security Council (UNSC), na inakusahan ang Thailand bilang pasimuno ng kaguluhan. Ngunit tinanggihan ng UNSC ang petisyon at nanawagan sa magkabilang panig na ayusin ang hidwaan sa pamamagitan ng direktang dayalogo o bilateral negotiations.
Sa depensa ng Thailand, iprinisinta nila ang ebidensya na ang Cambodia umano ang unang umatake.
Bukod dito, sinisi rin ng Thai government ang Cambodia sa posibleng mga paglabag sa international humanitarian law, kabilang ang umano’y pag-atake sa mga sibilyan at ospital.
Ayon sa UNSC, hindi pa maituturing na banta sa pandaigdigang kapayapaan ang tensyon sa border ng dalawang bansa, kaya’t mas mainam na maresolba ito sa lebel ng diplomatikong pag-uusa