[Content warning: suicide / self-harm. Reader discretion advised.]

Natagpuang wala nang buhay ang isang 21-anyos na college student matapos barilin ang sarili sa loob ng isang simbahan sa Barangay Poblacion, Passi City, Iloilo.

Kinilala ang biktima sa alyas na Kenneth, residente ng Calinog, Iloilo at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Business Administration sa Passi City College.

Ayon sa testigong si alyas Nato, nakita niya ang binata na bumaba mula sa isang tricycle at pumasok sa simbahan.

Makalipas ang ilang minuto, nakarinig siya ng malakas na putok at nang silipin ang loob, nadatnan na niyang duguan at wala nang buhay ang biktima habang hawak pa ang baril na ginamit.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ni PLT. Sharina Cepeda, Deputy Chief of Police ng Passi City, na ito na ang ikalawang tangka ng biktima na kitilin ang sariling buhay.

Narekober mula sa kanyang bag ang dalawang cellphone, isang papel na naglalaman ng password, at isang suicide note para sa kanyang pamilya.

Lumabas din na nasa Maynila ang mga magulang ng biktima at mag-isa lang itong naninirahan sa kanilang bahay sa Calinog.

Walang foul play na nakikita ang mga awtoridad at posibleng may kinalaman sa problema sa pamilya ang mot