Hindi naniniwala si Councilor Nene Dela Llana sa pahayag ni Iloilo City District Engineering Office (ICDEO) Officer in Charge Engineer Roy Pacanan na walang ghost flood control project sa Iloilo.

Matandaan Dumalo si Dela Llana kasama si Councilor Rex Sarabia sa People’s Meeting na pinangunahan ni Iloilo City Lone District Representative Julienne “Jam-Jam” Baronda.

Dito, tinanong niya si Pacanan kung totoo ngang walang ghost project, sa kabila ng post sa social media ng Presidente noong bumisita sa Iloilo noong Agosto.

Pinaliwanag ni Pacanan na maaaring hindi lamang updated si Dela Llana dahil hindi niya nakita ang post ng Presidente.

Kahapon, muling binanggit ng Presidente sa press conference sa Malacañang ang Iloilo bilang isa sa mga lugar na may ghost at hindi natapos na mga proyekto.

Sa kasalukuyan, nananatiling tanong ni Dela Llana kay Pacanan: sino nga ba ang nagsasabi ng hindi totoo?