New South Wales, Australia – Nauwi sa aksidente ang dapat sana’y masayang araw ng kasal ng isang 57-anyos na lalaki matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang minivan habang papunta sa seremonya.

Naganap ang insidente noong Miyerkules, Hulyo 30, 2025, sa isang madulas at mapanganib na bahagi ng kalsada sa New South Wales.

Anim ang sakay ng minivan, kabilang ang groom at ang kanyang mga groomsmen.

Dalawa sa kanila, kabilang ang groom, ang nasa kritikal na kondisyon, habang ang apat na iba pa ay nagtamo ng mga sugat.

Ayon sa mga imbestigador, madulas ang kalsada sa oras ng aksidente at wala ring barrier sa gilid ng daan, dahilan para mawalan ng kontrol ang driver at mahulog sa bangin ang minivan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Samantala, nananalangin ang mga kaanak at kaibigan ng groom para sa kanyang agarang paggaling at kaligtasan.