Isang simpleng birthday celebration sa The Hague, Netherlands ang nauwi sa tensyon matapos magkaalitan si dating presidential spokesperson Harry Roque at ilang Duterte supporters dahil umano sa “humba.”

Sa Facebook live ni Cecil Arceño, makikitang nagdiriwang sila ng kaarawan ni Alvin nang marinig sa background ang isang babae na sumisigaw laban sa isang “Aldo” na nag-post umano ng negatibo tungkol sa kanila. Agad itong sinagot ni Roque at binigyang-diin na dapat ay tumindig laban sa mali.

Nainis pa si Roque nang madamay siya sa usapin, matapos umanong kwestyunin ang pagkain niya ng humba. Sinabi pa niya na handa siyang bayaran ang buong putahe, subalit pinigilan siya ng isang babae at ipinaalala na ang ulam ay ibinigay ng kaibigan ng birthday celebrant para sa lahat.

Dagdag pa ni Roque, hindi dapat sunud-sunuran sa mali at kailangang matutong manindigan.