Naapektuhan ng ‘flu season ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kaya nagkulang ang kanilang mga personnel sa dagsa ng tao sa Undas.

Sinabi ni New NAIA Infra Corp. general manager Angelito Alvarez, na marami sa kanilang mga empleyado ang nag-sick leave matapos dapuan ng sipon at ubo.

Isa ito sa nakita niyang dahilan matapos na makatanggap ng reklamo dahil kakulangan ng mga tao.

Natitiyak naman niya na hindi na ito magiging problema sa susunod na taon dahil sa maglalagay na sila ng e-gates para mabilis ang pila ng mga pasahero.

Maaring sa Disyembre 12 ay maihabol ito na tiyempo sa Holiday rush.

Base kasi sa pagtaya ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mayroong 1.3 milyon na mga pasahero ang inaasahang babiyahe mula