Inilarawan ng kilalang strength and conditioning coach na si Alex Ariza si Kenneth Llover bilang isang batang boksingerong may galaw at lakas na kahalintulad ng istilo ni boxing legend Manny Pacquiao.
Ayon kay Ariza, nakita niya ang potensyal ng undefeated Filipino boxer sa kabila ng pagiging baguhan nito sa propesyonal na boksing, dala ng taglay nitong bilis, footwork, at punching power. Sinabi rin ni Ariza na halata ang impluwensiya ni Pacquiao sa istilo ng pagboboksing ni Llover.

Ibinahagi ni Ariza na matagal na siyang retirado sa larangan ng boksing sa Pilipinas, ngunit muling nahikayat na bumalik matapos siyang imbitahan na maging bahagi ng training team ni Llover.
Giit ng beteranong trainer, bagama’t mahaba pa ang landas na tatahakin ng batang boksingero, marami umano ang naaaliw sa kaniyang istilo at nakakakuha na ito ng pansin sa loob at labas ng bansa. Aniya, may fan-friendly approach si Llover na maaaring magdala rito sa mas malaking tagumpay sa hinaharap.
Si Llover ay may perpektong rekord na 14 panalo at walang talo. Mas lalong lumakas ang kaniyang pangalan matapos ang dalawang sunod na first-round stoppages sa Japan. Kaugnay nito, nakipagkasundo na ang kaniyang promoter na si Gerry Peñalosa ng Gerrypens Promotions sa Kameda Promotions ng Japan para sa isang three-fight deal.
Nakatakda ang laban ni Llover kontra kay dating two-division world champion Luis Concepcion sa darating na Agosto 17 sa Winford Resort and Casino sa Maynila















