Hindi na pipigilan ni Pangulong Marcos ang pagpasa ng kontrobersyal na “Konektadong Pinoy” bill, na inaasahang kusa nang magiging batas pagdating ng Agosto 24, ayon sa Department of Information and Communications Technology.
Kinumpirma ni DICT Secretary Henry Aguda na walang indikasyong i-ve-veto ng Pangulo ang panukala, na layong pabilisin ang licensing process, itaguyod ang infrastructure sharing, at payagan ang mas maliliit na kumpanya na mag-invest sa data transmission kahit walang legislative franchise.
Bagamat suportado ng gobyerno, umani ito ng batikos mula sa malalaking telco companies na nag-aalalang maapektuhan ang kanilang operasyon at seguridad.
Gayunman, tiniyak ng DICT na lalahok ang mga telco sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations o IRR.