Patay ang isang lalaki matapos siyang saksakin ng kanyang stepfather dahil sa sobrang ingay habang naglalaro ng online casino game na “Scatter” sa Maramag, Bukidnon.
Ayon sa Maramag Municipal Police Station, abala sa paglalaro ang biktima na si “Joseph,” 38 taong gulang, sa labas ng kanilang bahay at sumisigaw habang naglalaro.
Dahil dito, nagulat at nagalit ang suspek na si “Felix,” 57 taong gulang, na humantong sa mainitang pagtatalo sa pagitan nilang dalawa. Nauwi ito sa pananaksak ng suspek kay Joseph.
Batay sa imbestigasyon, matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Maramag Municipal Police ang suspek.