Pasok sa itinakdang weight limit sina Manny Pacquiao at Mario Barrios para sa kanilang nalalapit na WBC welterweight title fight.
Ginawa ang opisyal na weigh-in sa Las Vegas, Nevada, USA pasado alas-kuwatro ng madaling araw (oras sa Pilipinas) ngayong araw.
Timbang ni Pacquiao ay 146.8 pounds, habang 146.2 pounds naman ang timbang ng kanyang makakalaban na si Barrios. Alinsunod sa regulasyon, kinakailangang hindi lalampas sa 147 pounds ang timbang ng mga boksidor para sa kanilang 12-round world championship bout.
Inaabangan ng buong sambayanang Pilipino ang pagbabalik sa ring ng nag-iisang eight-division world champion na si Manny Pacquiao. Muli siyang lalaban kontra sa kasalukuyang WBC welterweight champion na si Mario Barrios bukas ng umaga (oras sa Pilipinas).