ILOILO CITY – Hindi maituturing na reclamation ang pagtambak ng lupa sa Iloilo River bilang bahagi ng Esplanade extension project.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, inihayag ni Philippine Reclamation Authority general manager at Chief Executive Officer Atty. Janilo Rubiato na nagpadala na siya ng mga engineer upang magsagawa ng inspeksyon sa nasabing proyekto.
Batay aniya sa preliminary report na ipinadala ng mga engineer, hindi maituturing na reclamation ang proyekto.
Nabatid na tinambakan ng lupa ang magkabilang bahagi ng ilog para sa gagawing extension ng Esplanade.
Pero ayon kay Rubiato, maituturing itong improvement lamang at hindi rin para sa commercial purposes.
Isa lang daw itong paraan para hindi gumuho ang lupa sa pampang ng Iloilo River.







