Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tinangka umano silang i-blackmail ng abogado ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co
Ayon sa Pangulo, nilapitan umano sila ng kampo ni Co at sinasabing kung hindi raw kakanselahin ang passport ni Co ay hindi ito maglalabas ng isang video.
Ipinahayag ng Pangulo na hindi siya “nakikipag-negosasyon sa mga kriminal,” at iginiit na hindi siya uurong sa anumang presyur o pagbabanta.
Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na kahit maglabas pa ng video ng lahat ng kasinungalingan at i-destabilize ang gobyerno
Pagtiyak ng Pangulo na makakansela pa rin ang passport ng dating kongresista.
“I do not negotiate with criminals,” pahayag ni Pangulong Marcos kabilang si Zaldy na sangkot sa multibillion-peso flood control corruption. .
Si Co ay mayruong warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan.














