ILOILO CITY- Nangibabaw ang isang Pilipino sa Korea Air Force Academy.
Ito ay si 2nd Lt. Kennon John Aguilar na tubong Capiz.
Si Aguilar ay nagmula sa angkan ng mga sundalo kung saan ang ama nito ang kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang lolo naman nito ay dating myembro ng Philippine Constabulary.
Pumasok si Aguilar sa Philippine Military Academy (PMA) at taong 2013, isa ito sa mga napiling sumali sa Foreign Service Academy Program kung saan pinadala ito sa Korea Air Force Academy.
Hindi kagaya sa tri-service curriculum, ng PMA, ang mga aspiring cadets sa Korea ang pinapapili sa nais nilang military school na may specialized na training para sa army, air force at nay.
Nagpasya si Aguilar na pumasok sa Korea Air Force Academy kung saan bagama’t kadete pa lang ito ay pinapagayan na silang magpalipad nga eroplano.
Noong third year ito, binigyan ito bilang Honorable Cadet Award dahil sa magandang pag-uugali.
Nanalo rin ito bilang isa sa mga best presentation sa thesis nito kung saan tinalo nito ang iban pang presenters sa iba’t ibang paaralan sa South Korea.
Marso 2018 nang nagtapos si Aguilar bilang top foreign cadet kung saan ito ang kaisa-isang banyaga na tumanggap ng nasabing parangal.
Isa rin ito sa mga most outstanding cadet officers sa 142 na mga graduates ng Korea Air Force Academy.
Plano naman ni Aguilar na bumalik sa Pilipinas at pumasok sa Philippine Air Force.








