Isang pulis ang natagpuang duguan at wala nang buhay sa ikatlong palapag ng Barotac Nuevo Police Station, Iloilo.

Ayon sa inisyal na ulat, ang biktima ay kinilalang chief ng Finance Section ng nasabing istasyon.

Nakita sa tabi ng biktima ang isang 9mm na baril na hinihinalang ginamit sa insidente.

Natukoy din na may tama ito ng bala sa ulo.

Ikinuwento ng ilang residente malapit sa himpilan na bandang alas-4 ng madaling araw, may narinig silang putok ng baril mula sa lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung may foul play sa insidente o ito ay kaso ng pagpapakamatay.