Inanunsyo ni Prosecutor General Richard Fadullon na sina dating senador Bong Revilla at dating kongresista Zaldy Co ay kabilang na sa mga bagong respondents sa mga reklamong may kinalaman sa umano’y ghost flood control projects sa Bulacan.

Ayon kay Fadullon, nagsumite na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng karagdagang ebidensiya na tumutukoy kina Revilla at Co bilang mga proponent ng mga iniimbestigahang proyekto.

Nabatid na may limang reklamong nakabinbin sa DOJ: tatlo ay nakasumite na para sa resolusyon, habang dalawang kaso ang nasa preliminary investigation pa matapos idagdag sina Revilla at Co bilang respondents.

Humiling ang dalawa ng extension para isumite ang kanilang counter-affidavits, at binigyan sila ng DOJ ng limang araw para tumugon.

Target ngayon ng DOJ na maglabas ng resolusyon bago matapos ang taon.

Sa kabila nito patuloy ang mga alegasyon sa pagitan ng ilang mambabatas, opisyal ng DPWH, at mga contractor hinggil sa umano’y kickbacks sa multi-billion pisong flood control projects na nadiskubreng substandard o hindi aktwal na naipatayo.

Kapwa itinanggi nina Revilla, Co, at iba pang mambabatas ang anumang pagkakasangkot sa flood control scandal.