Isang 19-anyos na lalaki ang binugbog ng magkapatid na lalaki habang nag-iinuman sa Ilagan City.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagsimula ang gulo nang insultuhin ng biktima ang isa sa mga suspek sa pamamagitan ng salitang “You’re so ugly.”
Dahil dito, agad na nag-init ang ulo ng magkapatid na may edad 21 at 16, at sabay nilang sinaktan ang biktima.
Dahil sa pananakit, nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ang biktima. Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang mga suspek.
Nahaharap ngayon ang magkapatid sa posibleng kasong physical injury habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.