ILOILO CITY – Nilinaw ngayon ng mayor ng bayan ng Lambunao, Iloilo na walang kasapi ng Maute Group na nakarating sa kailang bayan kasunod ng namataang armadong grupo sa kahapon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Jason Gonzales, sinabi nito na hindi kapani-paniwala ang mga una ng lumabas na impormasyon na kasapi ng Maute Group ang isa sa mga namataang kaduda-dudang lalaki na naka-itim na t-shirt, nakafatigue at may tangay na itim na bag at may itim na face mask.
Ayon sa alkalde, posibleng sa mga tismis lamang nagmula ang teorya tungkol sa Maute Group at nasobrahan lamang ang pagsalarawan ng mga residente.
Pinawi naman ng alkalde ang pangamba ng mga residente ng bayan at sinabing nakatutok sa sitwasyon ang militar at ang lokal na pulis at walang dapat ipangamba.
Matatandaang nagkagulo at nagpanic ang mga residente sa mga barangay ng Caninguan at Walang ng nasabing bayan pagkatapos namataan sa lugar ang dalawang sinasabing kasapi ng NPA na napagkamalang kasapi ng Maute Group ng mga residente dahilan ng pagkansela ng klase sa nasabing mga barangay.