Ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nanguna si dating Ako Bico Representative Zaldy Co at ilang mga kongresista sa unang batch ng flood control cases na isasampa sa Sandiganbayan sa buwan ng Nobyenbre.
Ayon kay Remulla na malaki ang paniniwala nito kasama ang pangalan ni Co sa unang batch ng kaso.
Maraming mga pangalan ng kongresista ang nasa listahan na sasampahan ng kaso.
Si Co ang idinawit ng mga dating district at assistant engineers na tumestigo sa budget insertions na P35-bilyon mula 2022 at 2025 ganun din ang anomalya sa flood control projects sa Bulacan.














