Iginiit ng BAYAN-Panay na ginagamit umano ng gobyerno ang pamimigay ng ayuda sa gitna ng krisis bilang paraan para makakuha ng political gain.
Ayon sa grupo, sa halip na maging patas at sistematiko ang distribusyon ng tulong, nagiging instrumento umano ito para mapalakas ang impluwensiya ng ilang opisyal, lalo na sa mga komunidad na may mataas na bilang ng botante.
Binigyang-diin pa ng BAYAN-Panay na dapat nakabatay sa pangangailangan ng mamamayan ang pamamahagi ng ayuda at hindi sa interes ng pulitika. Anila, mahalaga ang transparency at accountability upang matiyak na ang tulong ay makarating sa mga tunay na nangangailangan.
Idinagdag pa ni Forro na umano’y “highly selective” ang implementasyon ng subsidy rollout, kung saan sinasabing bibigyang prayoridad sa Iloilo City ang mga miyembro ng kooperatiba at rehistradong botante.
Ayon kay Forro, tila mas nakatuon ang naturang sistema sa pagkontrol ng distribusyon para sa political gain kaysa sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Sa kabila nito, nanawagan ang grupo sa pamahalaan na ayusin ang sistema ng distribusyon at tiyakin na hindi ito maaabuso, lalo na sa panahon ng krisis kung kailan umaasa ang maraming Pilipino sa ayuda mula sa gobyerno.














