Pinaghahanda ng Department of Agriculture (DA) ang mga mangingisda sa epekto ng bagyong Tino sa sektor ng pangisdaa, lalo na ang dulot nitong mga serye ng pagbaha.

Sa abisong inilabas ng DA Disaster Risk Reduction Management Operations Center, pinapayuhan nito ang mga mangingisda na agahang dalhin ang mga bangkang pangisda sa at iba pang gamit pangisda sa mataas at ligtas na lugar.

Pinapayuhan din ng ahensiya ang fisherfolks na planuhin o ipagpaliban ang paglalakbay sa karagatan.

Ito ay dahil na rin sa banta ng storm surge o matataas na daluyong na tiyak na makaka-apekto sa paglalakbay at pangingisda.

Sa mga mayroong palaisdaan, ipinayo ng DA ang early harvest o maagang pag-harvest sa mga alagang isda, alimango, atbpang aquatic products, dahil sa banta ng biglaang pagbaha.

Ipinahahanda rin ng ahensiya ang post-harvest facilities na maaaring magamit, kasunod ng early o forced harvest.