Habang ginaganap ang ASEAN Tourism Forum (ATF) 2026, tumatayong backbone ng kaganapan ang mga student volunteers na hindi lamang puno ng sigla kundi sinanay sa antas ng internasyonal na propesyonalismo.
Ayon kay Dr. Evelyn F. Lupango ng DOT-7, sa pamamagitan ng HARANA Capacity Building Seminar, nahasa ang mga kabataan sa hospitality, protocol, at cross-cultural engagement, na nagpalakas sa kahandaan ng Cebu sa pag-host ng mga global events.
Tinuruan ang mga volunteers sa ASEAN-level service etiquette, cultural sensitivity, tamang komunikasyon, at wastong paghawak ng delegates, pati na rin sa crowd management at safety awareness.
Kasama sa kanilang tungkulin ang pagiging billeting hotel aides, ushers sa ASEAN Tourism Awards, at suporta sa security operations.














