Inaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang contractor na si Sarah Discaya dahil sa kasong kurapsyon at malversatio of funds mula sa P96.5-milyon flood control project sa Davao Occidental.

Kinuhahan ito ng fingerprints at dumaan sa medical examination matapos na isilbi ng NBI ang kaniyang warrant of arrest.

Dadalhin si Discaya sa NBI Jail facility sa Muntinlupa City.

Una ng boluntaryong nagtungo sa NBI si Discaya dahil sa inaasahan niyang paglabas ng warrant of arrest noong nakaraang linggo subalit umalis din ito ng Miyerkules at nitong Huwebes ay nakalabas na ang warrant of arrest nito.

Isinampa ng Office of the Ombudsman ang kaso sa Digos Regional Trial Court at inilipat ito sa Lapu-Lapu Regional Trial Court.