SANTA, ILOCOS SUR — Nasawi ang dalawang motorcycle rider matapos magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo sa national highway sa Barangay Basug habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumihis sa kabilang linya ng kalsada ang isa sa mga rider upang iwasan ang isang butas.
Sa kasamaang-palad, kasalubong nito ang isa pang rider kaya’t naganap ang banggaan.
Pareho umanong nagtamo ng matitinding sugat sa ulo at katawan ang dalawang biktima na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.
Patuloy ang paalala ng otoridad sa mga motorista na magdoble-ingat, lalo na sa masamang panahon.