Isinugod sa ospital ang isang school principal na kinilalang si Arlyn Alcebar matapos siyang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa harap ng Agriculture Elementary School ngayong umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, minamaneho ni Alcebar ang kanyang sasakyan papasok ng school gate nang bigla siyang pagbabarilin ng mga suspek.
Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang mga salarin.
Sa kabutihang palad, hindi nagtamo ng malubhang sugat ang biktima, ngunit iniulat na tinamaan siya ng bala kaya agad siyang dinala sa ospital upang gamutin.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis kaugnay ng insidente upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.














