Muling iginiit ng Department of Education ang kahalagahan ng teacher education reforms sa pamamagitan ng Teacher Education Council o TEC, bilang susi sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Sa interview sang Bombo Radyo, sinabi ni DepEd Secretary at TEC Chairman Sonny Angara na ang tunay na reporma ay nagsisimula sa paghahanda at patuloy na pagsuporta sa mga guro.
Batay sa unang annual report ng TEC, ilan sa mga hamon ang kakulangan sa teacher preparation, licensing, at professional development na nakaaapekto sa kalidad ng pagtuturo.
Alinsunod sa Republic Act 11713, mandato ng TEC ang maglatag ng roadmap para sa teacher education, kabilang ang pagtatatag ng Teacher Education-Centers of Excellence sa bawat rehiyon at probinsya.
Kabilang na sa mga ipinatupad na reporma ng konseho ang bagong pre-service teacher education curriculum, profiling ng 1,570 Teacher Education Institutions, at koordinasyon sa PRC para sa specialization-based licensure exams sa Setyembre 2025.