Ipinagpatuloy na lamang ni Davao City frist district Representative Paolo “Pulong” Duterte ang taunang tradisyon ng ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte tuwing panahon ng Undas.
Gaya ng ginagawa ng ama ay namahagi ang mambabatas ng pagkain noong ito ay bumisita sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City.
Nag-alay ito ng bulaklak at kandila sa puntod ng kaniyang lolo na sina Vicente at Soledad.
Ito ang unang pagkakataon na hindi nakadalaw ang dating pangulo dahil sa nakapiit siya sa International Criminal Court facility sa The Hague, Netherlands.












