Walang naitalang banta ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng ASEAN events na gaganapin sa Pilipinas ngayong 2026.
Kasalukuyang may chairmanship ang Pilipinas sa ASEAN, na may 11 miyembrong bansa, at magpupulong sa ika-48 at ika-49 na summit ngayong Mayo at Oktubre.
Ayon kay Maj. Gen. Ronnie Cariaga, PNP director for operations, regular ang kanilang inter-agency meetings kasama ang NICA at AFP upang suriin ang posibleng banta, ngunit wala pa silang nakikitang panganib.
Itinakda ang mga summit sa bagong inayos na Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Kamakailan, ginanap din ang ASEAN Foreign Ministers’ Retreat sa Cebu.
Binanggit ni Cariaga na lahat ng nakaraang ASEAN events sa bansa ay maayos ang seguridad.














